Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. NLEX vs TNT
7 p.m. Alaska vs
Mahindra
Team Standings: Mahindra Enforcers (3-0); TNT (3-0); Ginebra (3-1); San Miguel (3-1); Rain or Shine (2-1); Meralco (2-2); Alaska (1-2); Blackwater (1-2); NLEX (1-2); Phoenix (1-3); Star (1-3); GlobalPort (0-4)
SA naipanalong unang tatlong laro ng Mahindra ay iisipin mong pangkampeonato at beteranong koponan ang Enforcers. Mula nang sumali ang Mahindra sa liga noong 2014 ay ngayon lang ito nakapagtala ng 3-0 start sa isang conference.
At sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2016 PBA Governor’s Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum ay makakasagupa ng Enforcers ang multi-titled at veteran Alaska Aces team. Isa sa dahilan sa pag-arangkada ng Mahindra ang import nitong si James White na ‘halimaw’ sa depensa at opensa.
Gayunman, inilagay ng Mahindra sa injury list ang top playmaker nitong si LA Revilla at ni-reactivate ang boxing icon at playing coach ng koponan na si Manny Pacquiao na noon pang Nobyembre huling naglaro sa PBA.
Hindi pa tiyak kung makapaglalaro si Pacquiao ngayon pero nagpahiwatig ito na baka lalahok siya sa PBA All-Stars ngayong weekend. Bukod sa Enforcers ay ang tanging koponan na wala pang talo sa torneyo ay ang TNT KaTropa na may 3-0 record din.
Makakatapat ngayon ng TNT ang mapanganib na koponang NLEX Road Warriors sa unang laro.
Nagbida para sa Ka-Tropa sa huli nitong laro kontra Alaska si Jayson Castro na nagtala ng 26 puntos, 10 assists, limang steals at apat na rebounds sa 118-112 panalo.
Gayunman, inaasahang masusubok ang katatagan nito kontra NLEX Road Warriors na makakasamang muli si Asi Taulava na napatawan ng multa at isang larong supensiyon dahil sa pananampal. Huling nabigo ang NLEX kontra sa Barangay Ginebra San Miguel, 72-85.
Ginulat naman ng dating nasa hulihang puwesto na Mahindra ang nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer, 105-103, noong Hulyo 27. “We treated every game as a playoff,” sabi ni rookie coach Chris Gavino.