Makaka-jackpot na sa lotto (2)

Sulat mula kay Erick ng Barra, Opol, Misamis Oriental
Problema:
1. Matagal na akong tumataya sa mga number games pero hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-sapol ng jackpot. Ito ang dahilan kaya na isipan kong sumangguni sa inyo. Pinapalayas na kasi kami sa tinitirahan naming bahay dahil hindi kami makabayad sa upa. Kaya ang balak ko sana kung makakatama ng malaking halaga ay bibili na kami ng sariling bahay at lupa.
2. Sa palagay nyo may pag-asa kayang tumama ng jackpot ang mga numerong inaalagaan ko sa kasalukuyan? At sa ngayon pala ay nag aaplay sa abroad ang misis ko bilang D.H. may pag-asa kaya siyang maka-alis? December 13, 1983 ang birthday ko at August 28, 1988 naman ang misis ko.
Umaasa,
Erick Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Virgo naman ang misis mo, ang nagsasabing makapag-aabroad ang misis mo sa taong ding ito na magiging daan upang tuloy-tuloy ng umunlad ang inyong kabuhayan.
Numerology:
Ang birthday mong 13 at 28 naman ang sa misis mo ang nagsasabing kundi sa buwan ng Agosto ay maaaring sa buwan ng Setyembre, habang nasa abroad ang misis mo malaking halaga ng salapi ang iyong tatamaan sa lotto. Samantala, mas madali kang makakasapol ng jackpot sa ano mang uri ng number games kung sa mga petsang 5, 14, 18, 18, 20, 21, 22, 23, 24 at 25.
Luscher Color Test:
Mapalad naman ang kulay na pula, asul, at dilaw sa pagtaya sa lotto. Maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa “ukay-ukay” o sa tindahan ng mga luma o gamit ng mga damit. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.
Huling payo at paalala:
Erick ayon sa iyong kapalaran nakatakda ka ng tumama ng jackpot sa lotto sa suwetong panahon at pagkakataon, kung saan, habang nakasuot ka ng kulay na pula o kaya’y dilaw, sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre sa taon ding ito ng 2016 sa edad mong 33 pataas, tulad ng nasabi na, dambuhalang suwerte ang iyong maibubulsa.

Read more...