PH lifter Diaz gumanda ang tsansa sa Rio Olympics | Bandera

PH lifter Diaz gumanda ang tsansa sa Rio Olympics

Angelito Oredo - August 02, 2016 - 01:00 AM

MAY tatlong tsansa na makapagwagi ng medalya ang mga Pinoy weightlifters kung mangunguna sa snatch, clean and jerk at overall lift.

Subalit mas gumanda ang tsansa ng mga Pilipinong weightlifter na sina Nestor Colonia at Hidilyn Diaz dahil sa pagkawala ng ilang beteranong kalahok dahil sa paghihigpit sa drugs ng namumuno sa 2016 Olympic Games na magbubukas sa Agosto 5 sa Rio de Janeiro, Brazil.

Nadiskuwalipika ang isa sa matinding kalaban ni Diaz na si Zulfiya Chinshanlo sa 53 kgs division kasama ang ilan pang kasamahan nito na kabilang sa Kazakshtan. Si Chinshanlo at apat na iba pa ay hindi na pinalahok sa kada apat na taong Olimpiada matapos na bumagsak sa drug testing.

“Hindi pa rin po ako nagkukumpiyansa. Iba po kasi ang laban sa Olympics dahil dito talagang ibinubuhos na lahat ng mga atleta ang kaya nilang buhatin,” sabi ni Diaz. “Gumanda po ang tsansa sa medalya kasi nawalan ng isang kalaban pero mahirap po kasi lalong aasam ang ibang kalaban.”

Dalawang oras kada araw mag-ensayo sina Colonia at Diaz sa Pavilion 2 ng Riocenter Convention Center kasama ang iba pang world champions na naghahanda rin para sa Rio Games.

Isa na rito ang kanyang matinding karibal mula sa South Korea.

“Alam ko, mino-monitor din nila (South Korea) ang buhat ko. Nasa 85 (kg) din siya kanina,” sabi ni Diaz, na beterano na sa Olympics matapos sumabak sa 2008 edisyon sa Beijing, China at noong 2012 sa London, England.

Pursigido naman si Colonia na bumuhat ng 120 kilos sa snatch at 150 kilos sa clean and jerk na malayo sa kanyang personal best na 124 kg at 158 kg para sa 282 kg total.

Puwersado si Colonia, na nagnanais itala ang magandang resulta sa unang pagsabak sa Olympiada, na umabot sa 290 kgs upang umasam ng medalya sa 56 kgs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending