Pigilin mo ang iyong sarili | Bandera

Pigilin mo ang iyong sarili

Ramon Tulfo - August 02, 2016 - 12:10 AM

NABASA ko sa aking kasamang columnist sa INQUIRER na si Ramon Farolan kahapon ang tungkol sa pagkaka-stroke ni retired Maj. Gen. Rodolfo Canieso, dating Philippine Army commanding general.

Hindi ko kilala si Canieso, pero marami akong narinig na mga kuwento o anecdote tungkol sa kanya.

Ako’y isang fan ni Canieso dahil sa mga kuwento na paulit-ulit na sinasabi ng kanyang mga dating subordinates.

Si Canieso ay isang legendary character.

Noong kasagsagan ng giyera sa Mindanao, ayon sa anecdote tungkol sa kanya, inutusan ni brigade commander Canieso na salakayin ng kanyang mga tauhan ang isang burol na kinalalagyan ng mga rebelde.

Upang huwag mag-alinlangang umabante ang kanyang mga tauhan, binomba niya ng mga kanyon ang likuran nila.

Ang artillery fire sa kanilang likuran ang nagbunsod sa mga tauhan ni Canieso na umabante even if they were met with heavy fire from the rebels.

Kung umatras naman sila, tatamaan sila ng bomba sa kanilang likuran.

Nakuha ng mga sundalo ni Canieso ang rebel stronghold.

Si retired Army Maj. Philip Manlapaz, isa sa mga platoon leaders ni Canieso sa Sulu, ay nagkuwento tungkol sa una nilang pagkikita ng matapang na brigade commander.

Sinabi ni Canieso kay Manlapaz na ayaw niyang magdala sila pagbalik sa kampo ng mga riple na nahuli sa mga kalaban.

“Yung mga riple ay maaaring naiwan ng mga kalaban habang paatras sila. Dalhin mo sa akin ang mga tenga ng inyong napatay na rebelde at maniniwala ako.
‘‘Mas maraming tenga ang dadalhin n’yo sa akin, mas matutuwa ako,” sabi raw ni Canieso kay Manlapaz.

Isa pang anecdote tungkol kay Canieso: Nang maraming nalagas sa kanyang brigade dahil sa engkwentro sa mga rebeldeng Moro, sinabi raw ni Canieso:

“Huwag tayong mag-alala dahil marami pang mga Ilocano galing ng Luzon.”

Nakarating kay Pangulong Marcos, na isang Ilocano, ang tinurang yun ni Canieso, na isang Ilonggo.

Biglang na-relieve si Canieso at hindi binigyan ng command.

Sa mga taong nagbibitbit ng baril: Huwag na huwag ninyong gamitin ito kung hindi nanganganib ang buhay ninyo.

Alalahanin ninyo ang magiging kahihinatnan kapag binaril ninyo ang taong hindi armado.

Kung nagpigil lang si Vhon Martin Tanto hindi siya malalagay sa malaking problemang hinaharap niya ngayon.

Ito ang payo ko sa mga taong mainitin ang ulo na nagdadala ng baril.

Ilang oras matapos akong pagtulungan ng mga kabataang mga diumano’y langog sa droga, nagkita kaming muli sa Pasay City police station.

Nauna pa roon ay dinala kami sa Airport Police Department, kung saan kami dinala matapos ang bakbakan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Yung babae na naging dahilan ng away ay langog pa rin sa droga. Minumura niya ako sa harap ng mga imbestigador na wala namang ginawa na pigilin siya.

Tumahimik lang ako at ngumiti pa.

Pero nang nasa Pasay City police station na kami noong gabing yun, muntik nang nagdilim ang aking paningin.

Isa sa kanila ay nakatitig sa akin at nakangising aso. Ang isa naman ay kumukuha sa akin ng litrato sa kanyang cellphone.

Parang nakakalalaki na sila. Parang hiyang-hiya ako sa sarili. Parang aping-api na ako.

Sabi ng isang konsensiya ko: “Barilin mo na, barilin mo na ang mga p*&*^%$.” Sige, para maiganti mo ang sarili mo.”

Pero sabi naman ng kabilang konsensiya ko: “Sige barilin mo sila at tingnan mo ang magiging kahihinatnan: Sira na ang iyong propesyon; matutuwa ang mga kalaban mo; masesentensiyahan ka ng habambuhay na pagkabilanggo; kawawa ang mga anak mo at tutuksuhin na meron silang tatay na nakabilanggo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung sinunod ko ang aking “masamang” konsensiya, hindi ninyo ako binabasa ngayon dahil nasa loob ako ng New Bilibid Prisons.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending