Jovit tatay na, non-showbiz GF nanganak na

jovit at shara baldovino

TATAY na pala ang Kapamilya singer na si Jovit Baldivino. Nanganak na ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Shara Chavez noong Biyernes. Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Shara ang litrato nila ng kanyang anak na pinangalanan nilang Baby Akeya na kuha sa loob ng kanyang hospital room.

Ayon sa ilang followers nina Jovit at Shara sa kanilang social media accounts, mukhang ikinasal na rin daw ang dalawa base sa nakadikit na sticker sa nursery kung saan nakasulat ang ilang detalye tungkol sa mag-ina gamit ang apelyido ng singer.

Sa litratong ipinost ni Shara sa FB, nilagyan niya ito ng mensaheng, “First we had each other, then we had you. Now we have everything! Welcome to the outside world little one. We love you so much baby Akeya!! – Jovit Lasin Baldivino!”

Parang kailan lang noong ikuwento ni Shara ang love story nila ni Jovit sa kanyang FB account, inamin niya rito na dati lang siyang avid fan ng singer. Sinabi pa ng bagong panganak na mommy na talagang sinundan-sundan niya noon si Jovit kahit sa malalayong lugar kung saan ito nagko-concert hanggang sa magkakilala na nga sila at maging magkarelasyon.

Read more...