Aktor binarat ang mga tindera sa tiangge, tabo lang ang nabili | Bandera

Aktor binarat ang mga tindera sa tiangge, tabo lang ang nabili

Cristy Fermin - August 02, 2016 - 12:10 AM

BLIND ITEM MALE 0316

NAKAKATUWA ang mga kuwento ng maliliit nating mangangalakal tungkol sa isang male personality na totoong-totoong marunong humawak ng pananalapi. Sa minsang pagdya-jogging ng aktor sa isang park na maraming nagbabaratilyo rin ang may puwesto ay namili siya ng mga kagamitang pambahay.

Hinalungkat niya ang halos lahat ng mga produkto, pili siya nang pili, ibinubukod naman ‘yun ng mga tindera. Napakatagal na pumili ng mga plastic na kagamitan ng aktor, inip na inip na ang mga nagbabantay ng puwesto, hanggang sa wakas ay ipinakuwenta na ng male personality ang mga gusto niyang bilhin.

Kuwento ng aming source, “Puro mumurahin lang naman ang mga paninda sa park, pangmasa ‘yun, mga plastic products ‘yun na murang-mura lang talaga ang halaga. “Magkano lang ba naman ang ipinapatong na halaga ng mga nagbabaratilyo, napakaliit lang naman, parang pambayad lang nila ‘yun sa puwesto nila.

“Pero tawad pa rin nang tawad si ______ (pangalan ng aktor na nagkakaedad na), halos hingin na lang niya ang mga paninda sa layo ng tawad niya sa turing ng mga tindera, nakakaloka pala ang taong ‘yun? “Totoo pala ang kuwento na super-kuring siya, tiyani raw ang male personality na ‘yun, dahil hanggang sa mga mumurahin na ngang paninda, e, sige pa rin siya sa katatawad!

“Ang ending, isang tabo na lang ang binili niya, gagamitin niya raw ‘yun sa pagpapaligo sa mga alaga niyang aso, napakakuripot talaga niya!” tawa na lang nang tawang kuwento ng aming source. Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang dating matinee idol na ito na sagad ang kakuriputan. Nagsisimula ang pangalan niya sa letrang A.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending