Duterte tuloy ang kampanya kontra “endo”

duterte-davao

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kompanya na nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon na wag nang hintayin na ma-inspeksyon ng pamahalaan.

“Huwag na ninyo akong hintayin na mahuli ko kayo because I will be unforgiving. You will not only lose your money, you will lose your plants. I will…No tolerance ako dito. Ito ang pangako ko sa tao and I will do it. Hintuan na ninyo ‘yan, bayaran ninyo ang tao sa tamang sweldo; stop contractualization,” sabi ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na agad niyang ipapasara ang mga kompanya sakaling mahuli ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
“Kapag nalaman ko, I will just simply close your plant and you would always find a thousand reasons to do it, believe me,” ayon pa kay Duterte.
Hinimok din ni Duterte ang mga biktima ng “endo” na magsumbong sa 911.

“So, bayaran ninyo lahat. SSS at saka wala iyang paikot-ikot. Huwag ninyong paikutin kasi ang totoo niyan ayaw talaga ninyong magbayad ng…I mean, if you do not take care of the workers, then I cannot take care of you. Eh ano iyan eh quid pro quo, quid pro quo; tit-for-tat. So iyan ang warning ko,” ayon pa kay Duterte. (Bella Cariaso)

Read more...