BINIGYAN ng 24 oras ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang mayor ng Leyte at kanyang anak para sumuko matapos namang idawit sa drug trafficking at pagiging protektor.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ipinag-utos din ni Duterte ang “shoot on sight” laban kina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. at anak na si Kerwin Espinosa.
“President Rodrigo R. Duterte demanded the surrender of Mayor Rolando Espinosa Sr., of Albuera, Leyte and his son, Kerwin Espinosa, on the grounds of drug-trafficking and coddling, within 24 hours, otherwise an order of shoot on sight will be given if they resist and endanger the lives of arresting police officers,” sabi ni Espinosa.
Nagpalabas ng kautusan si Duterte habang isinasagawa ang pagpupulong ng Gabinete sa Malacanang.
Nauna nang naaresto ang dalawang bodyguard ni Epinosa at tatlong empleyado matapos ang isinagawang buy-bust operation noong Huwebes ng hapon kung saan nakumpiska ang tinatayang P1.9 milyong halaga ng shabu.
Nakatakas naman ang apat na iba pa matapos silang pumasok sa bahay ng ni Kerwin at isinarado ang gate, ayon sa pulisya.
Nasa loob ng compound ang bahay ni Kerwin kung saan nakatira rin ang mayor.