Duterte winakasan na ang pagbo-boycott sa media

pres rodrigo duterte

WINAKASAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pambo-boycott sa mga miyembro ng media matapos namang magpatawag ng press conference sa Malacanang.
Unang pinangunahan ni Duterte ang panunumpa ng mga bagong talagang opisyal sa iba’t ibang sangay ng gobyerno nang ikagulat ng mga miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC) nang biglaang mag-abiso kaugnay ng press conference.
Ikinatuwa naman ng mga mamamahayag ang naging desisyon ni Duterte matapos ang unang pahayag na hindi na siya magpapaunlak ng panayam.
Unang binatikos si Duterte matapos ang kanyang pahayag laban sa mga mamamahayag na napapatay.

Read more...