Solo liderato sa NCAA jrs pagtatalunan ng San Beda at Arellano | Bandera

Solo liderato sa NCAA jrs pagtatalunan ng San Beda at Arellano

Angelito Oredo - August 01, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
11 a.m. Arellano vs San Beda
12:45 p.m. Perpetual Help vs LPU
2:30 p.m. San Sebastian vs EAC
Team Standings: Arellano (7-0); San Beda (7-0); Mapua (5-2); Perpetual Help (4-3); CSB-LSGH (4-3); Letran (4-4); LPU (3-4); JRU (2-6); EAC (0-7); San Sebastian (0-7)

ISA ang madudungisan ang kartada sa pagitan ng San Beda Red Cubs at Arellano University Braves sa salpukan para sa solong liderato ng tila paunang sagupaan para sa korona ng 92nd NCAA juniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Huling binigo ng Cubs para sa ikapito nitong sunod na panalo ang Mapua Red Robins, 86-84, noong Huwebes habang tinalo ng Braves ang Lyceum of the Philippines Junior Pirates, 91-77, upang pagsaluhan ang liderato sa parehas na pitong sunod na panalo sa torneo.

Gayunman, isa ang tiyak na madudungisan sa pagtataya ng malinis na kartada sa kanilang salpukan ganap na alas-11 ng umaga.

Hangad ng San Beda ang mahirap mapantayan na walong sunod na kampeonato kung saan inaasahan na muli nitong ipapakita ang balanseng opensa at depensa kontra sa Arellano na siya nitong tinalo sa nakaraang taon na kampeonato.

Ang Cubs ay nagtala sa loob ng pitong laro ng average na 94.7 puntos kada laro habang nililimitahan ang kalaban sa 72.4 puntos lamang na kapwa pinakamataas sa liga.

Ang Braves naman ang No. 2 sa scoring sa 92.1 puntos habang ikalawa lamang sa ibinibigay na puntos sa kalaban na 77.6 puntos.

Kung kaya naman sasandigan muli ni San Beda coach JB Sison ang kanyang depensa.

“It’s all about stopping your opponent because whichever team plays the better defense will win,” sabi ni Sison.

Ito rin ang pinag-iisipan ni Arellano mentor Tylon Darjuan.

“We need to slow them down if we want to have a chance,” sabi ni Darjuan, kung saan kinapos ang koponan na iuwi ang korona nakaraang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending