Buenavista, Raterta muling namayagpag sa Milo Marathon | Bandera

Buenavista, Raterta muling namayagpag sa Milo Marathon

Angelito Oredo - August 01, 2016 - 01:00 AM

PINATUNAYAN ni Eduardo Buenavista na hindi pa angkop sa kanya ang salitang pagreretiro matapos nitong muling angkinin ang korona bilang hari sa takbuhan sa matagumpay na pagbabalik nito sa ginanap na 40th National Milo Marathon Manila Elimination Leg Linggo ng umaga sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

“Hindi pa po tapos ang misyon ko,” sabi lamang ng 37-anyos na si Buenavista na nag-iisang tinawid ang finish line sa 2 oras, 45 minuto at 33 segundo. Ikalawa si Cresenciano Sabal (2:54:18) at ikatlo si Roger Denolo (2:54:50).

“Isa na lang po at mabi-break ko ang rekord ni coach Roy (Vence),” sabi ng tubong-General Santos City, South Cotabato at 37-anyos na si Buenavista ukol sa kanyang misyon sa taunang takbuhan na inoorganisa ng Nestle Philippines kasama ang Patafa, DepEd, PSC, POC pati na Asics, Salonpas, Timex, ZXU, Hisense at Endurance Sports.

Kabuuang anim ang naiuwing titulo ni Vence (1993, 1994, 1996, 1998, 1999 at 2004) habang lima na sa kasalukuyan ang national finals title para kay Buenavista (2002, 2008, 2010, 2012 at 2013).

Hawak din ni Buenavista ang Milo record na 2:18:53 oras na itinala nito noong Hulyo 22, 2007 sa Manila elimination ng ika-31st edisyon ng karera na hindi pa nabubura hanggang ngayon habang mas mabilis ang personal best nito na Philippine National record na 2:18:44 oras na naitala noong 2004 sa paglahok sa isang torneo sa Japan.

Dagdag inspirasyon din kay Vertek ang anak nito na si Eduard Josh na unti-unting sumusunod sa kanyang yapak matapos na pumangpito sa distansiyang 5k sa 19:08 minuto. Katatapos lamang ng anak nito irepresenta ang bansa sa Children of Asia International Sports Festival kung saan nagwagi ito ng medalyang pilak.

Nagtulungan din ang mag-ina na si Luisa Yambao-Raterta at anak nitong si Leonalyn para pantayan ang tagumpay ng mag-ama na sina Eduard Josh at Eduardo Buenavista.

Pumangalawa sa women’s 5k ang 14-anyos na si Leonalyn, na athletic scholar sa St. Michaels Schools of Laguna, habang isinukbit ng ina na si Luisa ang ikaapat na titulo sa 42.195 kilometrong karera sa Manila leg bagaman hindi pa nagwawagi sa National Finals.

Inaasahang matutulungan ni Raterta ang mahigit na 500 kabataan na nasa ilalim ng tinuturuan nitong running camp sa pagsungkit sa ikaapat na korona habang maipapagawa nito ang kanilang sariling bahay mula sa natanggap na P50,000 premyo at magarang tropeo.

Itinala ni Raterta ang 3 oras, 14 minuto at 57 segundo upang biguin ang miyembro ng national team na si Jhoann Banayag (3:17:44) at pumangatlo na si Cinderella Lorenzo na may oras na 3:20:00.

“Marami na po sa mga kabataan sa Sta. Cruz Running Club ang iskolar dahil po sa pagsali nila sa running at sports and iyun po mapapanalunan ko dito ay ipagpapagawa ko sa extension ng bahay namin na dormitel kasi marami po estudyante at mga babaeng trabahador sa mall na malapit sa amin ang nagre-rent,” sabi ni Raterta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending