Enrique bibida sa bagong superhero movie, mala-Spiderman ang drama

 

PINAGHAHANDAAN na ni Enrique Gil ang susunod niyang pelikula kung saan gaganap daw siyang superhero.

Pagkatapos ng kanyang suspense-thriller film na “Dukot”, bibida naman ang ka-loveteam ni Liza Soberano sa bagong indie movie ng 1017 Productions.

“May chat palang sa viber pero may script na. Producers meron na,” ani Enrique sa panayam ng ABS-CBN. Aniya, hindi raw ito basta superhero movie. Ilalahad din daw kasi sa pelikula ang mga weakness at pagkakamali ng bida.

“Like if you noticed ‘yung mga superhero ngayon kapag nagka-power. Ikaw kapag nagka-power ka, superhero bigla. Totoo ba ‘yun na if somebody gets a superpower you want to become a superhero? Di ba hindi naman yata ganoon,” sabi pa ng Kapa-milya actor sa nasabing panayam.

Sey pa ni Enrique, matagal na niyang pangarap maging superhero na, “Ako kasi there’s a point in my life na ‘Ako kapag naging superhero ako gagawin ko lahat ng gusto ko na hindi ko magawa!’”

“You will probably go and get the money, as in whatever you want kapag may power ka. ‘Yung pinaka-crush mo na artista sa Hollywood, pupuntahan mo. Pero kapag nakuha mo na ang powers mo, mag-iiba na lahat ng pananaw mo, iba na ang magi-ging objective mo sa pagiging superhero,” esplika pa ni Quen.

Inihalimbawa pa ni Enrique ang kuwento ng Hollywood superhero na si Spiderman, “Parang with great power comes great responsibility. Parang ‘yun ang story namin.”

 

Read more...