Female star ayaw tantanan ang ex-dyowa, umaasa pang magkakabalikan

 

MAGANDA pa rin ang samahan ng isang nagkahiwalay na magkarelasyon sa showbiz, wala nang posibilidad ang kanilang pagbabalikan, pero dahil sa kanilang anak ay naging maayos ang lahat sa kanila.

Regular ang sustento ng lalaki sa bata, walang palya ang pagganap nito sa kanyang obligasyon, sinikap pa pala ng female personality na muling buuin ang kanilang relasyon pero hindi na pumayag ang lalaki. Kuwento ng aming source, “Talagang ayaw pang sumuko ng girl, gumawa siya ng mga paraan para makuha uli ang attention ng guy, pero kinapaguran na niya ‘yun.

“Matindi kasi ang disposisyon ng lalaki, hanggang pagkakaibigan na lang ang kaya niyang ibigay sa female personality at ang kunsiderasyon pang ‘yun, e, para na lang sa baby nila. “Pero ayaw pa ring sumuko ng girl, talagang kung anu-ano ang ginagawa niya para magkabalikan sila uli, luto pa siya nang luto, dala nang dala sa housing authority ng guy, pero wala pa ring nangyari,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Kinukuha ng lalaki ang kanilang anak, naghahatid sa bata ang kanyang mommy, pero sinisigurado ng guy na hanggang sa sala na lang ang babae at hindi na aakyat pa sa kuwarto nito. “’Yung guy na talaga ang umiiwas, siya na ang gumagawa ng paraan para hindi na sila magkaroon pa ng communication na mahaba. Tama nang tumutupad siya sa obligasyon niya para sa bata.

“Okey na ‘yun, wala nang balikan, para ma-natili pa rin ang friendship nila. Mas maganda na ‘yun kesa sa magkakabalikan nga sila, pero pilit lang naman, no way, highway! “Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo ang nagkahiwalay na couple na ito, mina ng ginto ang utak mo sa panghuhula ng mga blind items,” pagtatapos ng aming source.

Read more...