True ba, CHARICE hindi pinapasok sa ABS, tinalakan ang security guard?

charice pempengcoIbang-iba na raw kasi ang itsura ngayon kaya hindi nakilala

HOW true kaya ang chikang minsan ay hindi pinapasok si Charice sa ABS-CBN?

Meron kasi kaming nabasang comment ng isang tao sa Instagram photo ni Charice where she is sporting a very short mane at tila nagmukhang lalaki.

Ang kuwento ng nag-comment, nasita raw si Charice ng isang guard dahil pilit raw itong pumapasok.

Hindi yata namukhaan ng guwardiya ang international singer dahil sa kanyang maikling buhok.

Nagkaroon daw ng talakan between Charice and the guard hanggang sa bumanat na ng English si Charice.

Maikli lang ang comment kaya hindi namin alam kung nakilala rin ng security guard si Charice at kung pinapasok din ito o hindi.

Anyway, baka sobrang plain looking lang ni Charice when she came at hindi siya nagbihis nang maganda kaya naman hindi siya nakilala?

Marami ang nakapansin na kuhang-kuha ni Charice ang look ni Daniel Padilla sa kanyang latest shot.

Pero marami naman ang pumalag at sinabing hindi niya kamukha si Daniel.

Read more...