Bagyo lalabas ng PAR bukas

    pagasa
Inaasahang lalabas na bukas ang bagyong Carina, batay sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
     Kung hindi magbabago ng direksyon at bilis, inaasahan na ang bagyo ay nasa layong 230 kilometro sa hilagang kanluran ng Laoag, Ilocos Norte bukas ng umaga.
     Bukas ito ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility at nasa layong 820 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.
     Kahapon ang bagyo ay may taglay na hangin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 120 kilometro bawat oras.
     Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong hilagang kanluran.
     Kahapon ay itinaas ng PAGASA ang signal no. 2 sa Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Mt. Province, Ifugao, Kalinga, Abra at Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands.
     Signal no. 1 naman sa Batanes Group of Islands, Benguet, La Union, Nueva Vizcaya, Quirino, Pangasinan, Nueva Ecija at Aurora

Read more...