TILA ngayon lang tayo nagising nang dumalaw sina Ondoy, Pepeng at Ramil. May natutunan ka ba sa kanila? Bilang nakatira sa mababang at bahaing lugar, ano ang dapat mong gawin ngayong narito na si Santi? Bilang nakatira sa mataas na lugar at hindi binabaha, may gagawin ka bang pag-iingat o magre-relax na lang dahil Sabado naman (manonood ng DVD habang tumotoma at ngumangata ng junk foods, makikipag-tong-its, bingo, sakla, kuwaho o mas maganda yata ang magmadyong na lang habang patuloy ang pagbuhos ng umuusok na kape na pangontra sa malamig na panahon)? O kundi’y agarang namili ka na naman noong Biyernes ng gabi (ang tawag nila sa Ingles ay panic buying dahil tiyak na raw na dadaan sa Metro Manila si Santi, at walang kasablay-sablay). Ano ba ang mabisang gawin, bukod sa mga leksyong iniwan nina Ondoy, Pepeng at Ramil?
Naalala mo bang magdasal?
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 103009