NAGPAHATID ng mensahe ang bagong congresswoman ng Lipa, Batangas na si Vilma Santos sa kasalukuyang isyu na kinakaharap ng kanyang anak na si Luis Manzano at ng rumored girlfriend nitong si Jessy Mendiola.
Tulad sa mga nagdadaang relasyon ni Luis, ingat na ingat and as much as possible ay umiiwas si Cong. Vilma na magbigay ng anumang pahayag that concern on the affairs of the heart ng kanyang panganay. “Bayaan na lang muna natin sina Lucky at Jessy kung masaya sila. ‘Yun ang importante,” sabi ni Cong. Vi.
Sakto naman nu’ng maging player ang TV-radio host at talent manager na si Jobert Sucaldito sa game show ni Luis sa ABS-CBN, may sinabi ang anak ni Cong. Vilma regarding Jessy. Sa isang portion naisagot ni Kuya Jobert ang name ni Jessy Mendiola among the many category questions ng game show. After that, nagpasalamat si Luis kay Kuya Jobert “on behalf” of Jessy.
Going back to Cong. Vilma, trabaho lang daw muna para maging maayos na ang kanyang mga haharaping trabaho sa Kongreso. “Gusto ko na makatulong sa mga Lipeño bilang representative nila, bukod sa paggawa at pag-aaral ng mga batas,” ayon sa aktres-politician.
For sure, happy din si Cong. Vi sa pagkaka-appoint sa kanyang mister na si Sen. Ralph Recto sa isang mataas na posisyon sa Senado, “Tungkol kay Ralph, may mga committee na ibinigay sa kanya pero hindi niya gusto. Being a minority leader ay mas importante dahil present siya sa lahat ng committee! He will be responsible minority leader.”
Napakarami raw experience sa gobyerno at ideya si Sen. Ralph na pwedeng makatulong para kay Presidente Duterte. Dagdag pa niya, “His job is not to destroy but to help build our country! Ralph is independent minded. He is my mentor.”
Nagbigay din siya ng comment tungkol sa pagkukumpara sa kanya kay Alden Richards sa pakikitungo nito sa entertainment press, “Maraming salamat sa mga kaibigan nating press people! Tangos naman ng ilong ko! Salamat.
“Marami kasi sa press ang kasama ko noon pa, hanggang tumanda na kami. Nandito pa rin silang lahat! Pamilya ang tawag doon. Kayamanan ang totoong friendship at suporta at pasasalamat.”