Heart natanggal na ang hiya sa pakikipaglaplapan kay Dennis

heart evangelista at dennis trillo

NATANGGAL na ang lahat ng hiya sa katawan ni Heart Evangelista-Escudero sa dami ng “naughty” scenes nila ni Dennis Trillo sa GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story.

Kung nu’ng simula ay hindi siya ganoon kakomportable sa kanilang mga kissing scene, ngayon naman ay madali na para sa kanya na maitawid ang ganitong mga eksena.

“I’m better. Hindi na ako masyadong nahihiya makipag-kissing scene sa kanya. Nasanay na ako. Dati kasi sobrang hindi ko kaya. Nakapag adjust na ako. Very natural na kami ngayon,” chika ni Heart.

Natutuwa rin ang Kapuso actress dahil ang dami-dami niyang natatanggap na positive feedback mula sa netizens and avid viewers ng kanilang serye. Kwento pa ni Heart kahit nasa mall siya ay may lumalapit sa kanya para magkwento tungkol sa kanilang programa ni Dennis.

 

Read more...