2016 PBA All-Star Weekend kasado na

INILABAS ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga manlalaro na magpapartisipa sa isasagawa nitong taunang All-Star Weekend na katatampukan ng iba’t-ibang aktibidad at ang sagupaan sa pagitan ng North at South All-Stars sa Agosto 7.

Magpapartisipa sa Obstacle Challenge sa pagrerepresenta sa kani-kanilang koponan sina Scottie Thompson ng Barangay Ginebra San Miguel Kings, Chris Ross ng San Miguel Beermen, Mark Barroca ng Star Hotshots, Carlo Lastimosa ng Blackwater Elite, Maverick Ahanmisi ng Rain or Shine Elasto Painters at Chris Banchero ng Alaska Aces.

Sasabak din si LA Revilla ng Mahindra Enforcers, Jeric Fortuna ng GlobalPort Batang Pier, Chris Newsome ng Meralco Bolts, Eman Monfort ng NLEX Road Warriors, Mark Cruz ng Phoenix Petroleum Fuel Masters at si Jai Reyes ng TNT Ka Tropa.

Pupukol naman sa Three-point Shootout sina James Yap ng Star, Jeff Chan ng Rain or Shine, Terrence Romeo ng GlobalPort, Alex Cabagnot ng San Miguel Beer, RJ Jazul ng Alaska at JJ Helterbrand ng Barangay Ginebra.

Sasali rin sina Almond Vosotros ng Blackwater, KG Canaleta ng Mahindra, Jared Dillinger ng Meralco, Garvo Lanete ng NLEX, Simon Enciso ng Phoenix Petroleum at Troy Rosario ng TNT.

Tampok sa Slam Dunk competition sina Rey Guevarra ng Meralco, James Forrester ng NLEX, Moala Tautuaa ng TNT, Franklin Bonifacio ng Barangay Ginebra at Chris Newsome ng Meralco pati na rin ang ilang manlalaro mula sa PBA D-League.

Magkakaroon din ng Blitz Games sa Agosto 5 na susundan ng sagupaan sa pagitan ng Greats at Stalwarts kung saan kalahok sina Maverick Ahanmisi, Chris Banchero, Kevin Alas, LA Revilla, Anthony Semerad, David Semerad, Ian Sangalang, Raymond Almazan, Ed Daquioag, Cris Tolomia, Mac Belo, Russel Escoto, Roger Pogoy, Raffy Banal, Jonathan Grey, Bryan Cruz, Noli Locsin, Alvin Patrimonio, Bong Ravena, Nic Belasco, Johnny Abarrientos, Ronnie Magsanoc, Paolo Bugia at Topex Robinson.

Isasagawa ang All-Star Game sa Agosto 7 kung saan kasama sa North All-Stars si Mark Caguioa, Terrence Romeo, Marc Pingris, Calvin Abueva at Japeth Aguilar sa first five. Kasama sa North All-Stars sina Jayson Castro, Alex Cabagnot, Gabe Norwood, Paul Lee, Stanley Pringle, Ranidel de Ocampo at Troy Rosario.

Ang South All-Stars ay binubuo naman nina James Yap, Scottie Thompson, June Mar Fajardo, Joe Devance, Asi Taulava, JR Quinahan, Jeff Chan, Jericho Cruz, Chris Ross, Mark Barroca, RR Garcia at Carlo Lastimosa.

Ang North All-Stars ay hahawakan ni Yeng Guiao kasama sina Caloy Garcia at Mike Buendia habang ang South All-Stars ay gigiyahan ni Leo Austria kasama sina Peter Martin at Dayong Mendoza.

Samantala, pinatumba ng Rain or Shine ang Blackwater, 98-92, sa kanilang PBA Governors’ Cup game kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Read more...