Payong ihanda, maulan ang weekend dahil kay ‘Carina’

NAGING bagyo na ang isang low pressure area na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) Biyernes ng tanghali, at tinawag itong bagyong Carina, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Si “Carina” ang ikatlong bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon.
Huling namataan si “Carina”  195 kilometro silangan ng Borongan City sa Eastern Samar, at inaasahang magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may lawak na 300-kilometer diameter, dagdag pa ng Pagasa.

Aabot din sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna ang taglay na hangin ni Carina na inaasahang magpapaulan sa Bicol region, Eastern Visayas at Caraga, na maaaring magdulot ng landslide at flashflood, sabi pa ng Pagasa.

Inaasahan itong kikilos  ng 11 kph hilagawang silangan.

Sabado ng umaga, inaasahang nasa  280 km silangan ng Virac, Catanduanes si Carina., samantalang sa Linggo ito ay nasa 255 km silangan ng Casiguran, Aurora

Sa Lunes inaasahan itong nasa  50 km hilaga, hilagangkanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Martes ng umaga, inaasahan itong nasa 430 km kanluran ng Calayan Island, Cagayan at sa Miyerkules, inaasahan itong nasa 655 km West Northwest ng Itbayat, Batanes.

Read more...