MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ang pinsan ko ay isang Person with Disability (PWD), sa bahay lamang siya nagtatrabaho na gumagawa ng mga accessories dahil sa kanyang kapansanan na hindi makalakad. Ask ko po kung automatic member ng Employees Compensation Commission ang aking pinsan at kung maaari po siyang mapabilang sa programa ng ECC na disability benefits? Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan.
Salamat po.
Divina Mauban
REPLY: Para sa iyong katanungan Bb. Divina Mauban, kung otomatikong miyembro ng ECC ang iyong pinsan na isang PWD, ang saklaw lamang ng benipisyo ng ECC ang person with work related disability. Ibig pong sabihin, ang isang miyembro na na-pinsala o nadisgrasya at hindi na maaaring makapagtrabaho at may kaugnayan sa kanyang trabaho ang dahilan ng pagkakadisgrasya nito ang maaaring makatanggap ng benepisyo mula sa ECC.
May ibang sangay na ahensiya na maaaring makakuha ng benipisyo ang PWD, gaya ng inyong pinsan, ito ay sa ilalim na rin ng National Council for Disability Affairs.
Ang Employees Compensation Program (ECP) ay isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng compensation package sa mga manggagawa o dependents ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sector.
Kabilang sa benipisyong ito ay ang Loss of Income Benefits o ang paggawad ng pers sa isang manggagawa upang bumawi para sa nawalan nyang kita dahilan sa kawalan ng kakayahan para magtrabaho.
May tatlong uri ng loss of income benfits gaya ng Temporary Total Disability, Permanent Partial Disability at Permanent Total Disability.
Atty. Jonathan VillaSotto
Deputy Director, Employees Compensation Commision
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari ring mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.