Tulungan maliliit na drug companies

Ari ng rapist-mayor kinumpiska— headline ng Bandera kahapon.

Bakit, natatanggal ba iyon?

Gaganapin ang Miss Universe pageant sa Mall of Asia sa Pasay City sa Jan. 30, 2017.

Tiyak na luluwa ang mga mata ni Digong sa mga contestants from all over the world.

Siyempre, hindi lang si Digong ang luluwa ang mga mata kundi ang mga kalalakihang Pinoy at mga tomboy.

Nag-isnaban si dating Noynoy at Gloria, mga dating pangulo ng bansa, sa National Security Council (NSC) meeting na ginanap sa Malakanyang noong Huwebes.

Sinasabi ko na nga ba, bading itong si Noynoy!

Ang bakla lang ang mahilig mang-isnab sa babae dahil akala ng bakla ay babae rin siya.

Magkatabi sina Pangulong Digong at Vice President Leni Robredo sa NSC meeting.

Makikita sa front page photo ng INQUIRER, sister publication ng Bandera, kahapon ang magandang profile in Leni.

Para silang mag-asawa ni Digong.

Tinawag ni Digong si Leni na “beautiful Vice President” habang nagsasalita ang Pangulo sa NSC meeting.

Umpisa nang dinidigahan ni Digong si Leni.

Bai, basi musugot na nâ sa imoha kay puwerte nang imong pangulitawo.

Pero bantay lang gyud ka kang Honeylet kay basig pukpukon nang imong ulo sa iyang sapatos.

Sa mga hindi nakaintindi, tanungin na lang ninyo sa mga Bisaya kung anong ibig sabihin ng sinulat ko sa itaas.

Sinabi ni Pangulong Digong na malungkot ang kanyang kinalalagyan na pinakamataas na puwesto sa buong bansa.

Masasanay din siya dahil ganoon na ganoon ang sinasabi ng mga nauna sa kanya sa Malakanyang.

Sinabi minsan ni Erap Estrada sa kanyang mga kaibigan na malungkot tumira sa “Malaking Bahay.”

Sa mga taong naiinggit kay Digong dahil sa kanyang kinalalagyan, narinig na ninyo kung ano ang kanyang nararamdaman.

Oo nga’t siya’y makapangyarihan, pero hindi yan ang pinagbabasehan ng kaligayahan ng isang tao.

Anong gagawin mo sa kapangyarihan at kayamanan kapag ikaw naman ay nag-iisa?

Walang iniwan yan sa isang taong naabot ang tuktok ng bundok na mag-isa. Malungkot ang nararamdaman niya dahil wala siyang kasama.

Kahanga-hanga si Digong sa kanyang pag-amin na malungkot siya sa kanyang puwesto.

Lahat kasi ng mata ng Pilipinas ay nasa kanya. Para siyang isda na nasa fishbowl.

Nakalimutan ni Pangulong Digong sa kanyang unang State of the Nation Address (Sona) na tutulungan niya ang masa sa pamamagitan ng mga medisina na abot-kaya ng mga mahihirap.

Ang napakataas na presyo ng gamot ang isang dahilan kung bakit maraming namamatay na mahirap.

Ang presyo ng mga maintenance medicines para sa diabetes, hypertension, kidney problem at mataas na cholesterol, halimbawa, ay hindi abot-bilhin ng mahihirap.

Makakatulong si Digong sa pagpababa ng presyo ng mga mahahalagang medisina sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga maliliit at katamtamang laking pharmaceutical companies.

Puwede niyang utusan ang Department of Health (DOH) na bumili ng mga gamot sa mga small and medium pharmaceutical companies sa halip na sa mga multinational at sa isang local drug manufacturing firm na malapit noon kay Pangulong Marcos.

Anyway, lahat ng medisina ay pare-pareho ang potency o epekto dahil ang mga ito ay dumaan sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA).

Ang gastos sa advertising at conventions at biyahe ng mga doktor sa ibang bansa na ini-sponsor ng mga drug companies ang nagpapataas ng presyo ng branded na gamot.

Ang pagtulong sa mga small and medium drug companies ay tutulong sa pag-unlad ng ekonomiya dahil makakapagbigay sila ng trabaho sa mga libu-libo katao.

Read more...