Male singer ang sarap hampasin ng kawayan, sobrang angas

BLIND ITEM MALE 0304

KAHIT pa siguro maglumuhod ang isang popular na male performer ay hindi na siya makakabalik pa sa isang may kalayuang probinsiya. Naku, gusto na siyang isubsob sa buhanginan ng mga tagaroon dahil sa kanyang pagiging rock star kuno.

Pagdating ng male performer sa isang bayan sa kilalang probinsiya sa South ay ayaw niyang bumaba sa van, ikinainis niya yata ang pagkakaroon ng mga kasama sa sasakyan, ang usapan daw kasi nila ng promoter ay solo lang siyang gumamit ng malaking van. Kuwento ng aming source, “Paano naman siya ibibiyahe nang solo lang, napakalaking gastos naman nu’n para sa committee, e, wala namang malaking-malaking budget ang lugar na pinuntahan niya?

“Talagang ipinanghingi lang sa buong bayan ang talent fee ng mga artistang kinuha du’n, lalo na siya, na hindi naman basta-basta ang budget. “Pag-akyat pa lang niya sa van, e, nakasimangot na siya wala siyang kinausap na kahit sinong nandu’n sa sasakyan, nagsaksak na agad siya ng earphones at may sarili na siyang mundo hanggang sa makarating sila sa bayang nagse-celebrate ng fiesta.

“Since then, e, hindi na siya bumaba, nasa van lang siya, du’n na lang siya dinalhan ng food ng mga kasama niya! Waley siyang pakialam sa mga tagaroon na siyempre naman, e, gusto siyang makita up close! “Suplado talaga ang lolo n’yo! Masyado siyang feeling! Parang siya na ang pinakasikat na bokalista sa buong mundo kung makaasta siya!” nanggigigil na kuwento ng aming source habang nakataas ang kilay.

Isa lang ang nasabi ng mga miyembro ng komite, anuman ang mangyari ay hinding-hindi na nila iimbitahan pa uli ang male performer, dahil sa pagiging pasaway at suplado. “Naku, Bradly Guevarra, kumuha ka nga ng kawayan at hampas-hampasin mo sa buong katawan ang malditong bokalistang ‘yun! Yes, kawayan nga, kawayan!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...