DEAR Aksyon Line,
I went to SSS main office, and sadly to say, I did not get my SSS ID card.
(According to ID Card Production Department (ID Center), my ID card could not be located.
They said, they will ask the Quezon City Phil Post for the exact location/status of my ID card. If the ID card remained unlocated, and SSS failed to get positive feedback from them in the next two weeks, they said they just include my name in the list of ID cards to be reprinted.
I was disappointed for what happened. I have no choice but to wait again. I’ve been waiting for one year already.
I hope I will soon get my SSS ID Card.
I will update you as soon as I get any development.
Thanks.
Aida Tolentino
REPLY: Ito ay tungkol sa inyong e-mail kaugnay sa katanungan ni Aida Tolentino ukol sa kanyang Unified Multi Purpose ID (UMID) card.
Batay sa aming rekord, nakuha na ang kanyang UMID card. Bagamat noong Hunyo 2015 pa nagawa ang kanyang UMID. Hindi niya ito natanggap dahil walang taong tumanggap nito nang dalhin ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) sa address na kanyang inilagay sa kanyang application. Dahil dito ibinalik ng PhilPost and UMID.
Sa kasalukyuan isa hanggang dalawang buwan ang pagpoproseso ng UMID card mula sa petsa ng aplikasyon hanggang sa petsa na ang card ay maipadala sa PhilPost upang ihatid sa mailing addres ng miyembro.
Kung pagkatapos ng dalawang buwan ay hindi pa rin natatanggap ng miyembro ang kanyang UMID card, isa sa pinakakaraniwang posibilidad ay ang kanyang UMID card ay idineklarang return-to-sender o RTS. Ibinabalik ng PhilPost ang card sa SSS matapos ng tatlong beses na puntahan ng kartero ang mailing address ng miyembro upang ihatid ang card ngunit walang tumanggap ng card. Pangkaraniwang nagiging RTS ang UMID card kung lumipat ng tirahan ang miyembro o walang taong tumanggap ng card sa mailing address sa panahon na inihatid ito.
Kaugnay nito, nais naming paalalahanan ang mga miyembro na tiyakin na may taong maaaring tumanggap ng kanilang UMID card upang maiwasan na maging RTS ang kanilang card. Kinakailangan din na may authorization letter ang taong tatangap ng card sa ngalan ng miyembro. Ang sulat ay dapat pinirmahan ng miyembro at binabanggit ang mga ID o dokumento ng miyembro at kanyang kinatawan na ipiprisinta upang i-claim ang UMID card.
Maaaring i-claim ng miyembro ang RTS card sa sangay ng SSS kung saan sila nag-apply ng UMID card. Upang alamin ang kalagayan ng pagpoproseso ng kanilang UMID card, maaari nilang tingnan ang listahan na matatagpuan sa SSS website, maaari rin silang mag-email sa SSS_id@sss.gov.ph, o kaya ay tumawag sa SSS C all Center sa 920-6446 hanggang 55.
Sa mga miyembro na kukuha ng kanilang UMID card, dapat silang magprisinta ng isang primary ID o kaya ay dokumento tulad ng government-issued IDs, birth o baptismal certificate o company ID.
Nawa’y nabigyan po namin nang linaw ang bagay na ito. Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs Department