Naghain ng mosyon si dating Philippine National Police Chief Alan Purisima sa Sandiganbayan Sixth Division upang mabisita niya ang anak sa Estados Unidos.
Ayon kay Purisima nakatakda na ang pag-alis niya at ng kanyang pamilya sa Estados Unidos bago pa man naisampa ang kaso noong Marso 15.
Hiniling niya na makalabas ng bansa mula Setyembre 5 hanggang 27.
“The purpose of his travel is to visit his son Jason Arvi I. Purisima, who was studying at the Culinary institute of America at St. Helena, California,” saad ng mosyon na isinumite kalakip ang kopya ng ticket na binili noong Marso 15.
Mananatili umano si Purisima sa 1108 Pintail Drive, Suison City, California.
“Section 6, Article III of the 1987 Philippine Constitution provides that the right of every individual to travel shall not be impaired except in the interest of national security, public safety or public health. Accused Purisima humbly submits that his travel abroad does not, in any means, impair the interest of national security, public safety or public health.”
Si Purisima ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng pinasok na kontrata ng PNP sa Werfast Courier Service para sa delivery ng lisensya ng baril.
Maanomalya umano ang transaksyong ito dahil mas mahal ang singil nito kumpara sa ibang courier service at kuwestyunable rin umano ang requirement ng Werfast.
MOST READ
LATEST STORIES