Erap nag-alok na ng P100K sa ulo ng suspek sa road rage sa Quiapo

Erap

NAG-ALOK si Manila Mayor Joseph Estrada ng P100,000 para mahuli ang pinaghahanap na Army reservist na nasa likod ng pagpatay sa nakasuntukang nagbibisikleta sa Quiapo, Maynila noong Lunes ng gabi.
Sa ulat ng Radyo Inquirer 990AM, nagbigay na ng pabuya si Estrada para mahuli ang 39-anyos na si Vhon Tanto.
Nauna nang binigyan ngManila Police District (MPD) si Tanto ng hanggang alas-5 noong Miyerkules para sumuko.
Sinabi ni MPD director Senior Supt. Joel Coronel na handa ang kapulisan na gumamit ng dahas laban kay Tanto kung sakaling.
Kinilala ng MPD si Tanto na siyang driver ng Hyundai Eon na bumaril at pumatay sa nagbibisikletang si Mark Vincent Garalde noong Lunes ng gabi.

Read more...