Solo liderato nakubra ng Mahindra Enforcers

Mga Laro Bukas
(Ynares Center, Antipolo City)
4:15 p.m. Blackwater vs Rain or Shine
7 p.m. Tropang TNT vs Alaska

IPINAKITA ng Mahindra Enforcers na kaya nilang makipagsabayan sa mahuhusay na koponan ng liga matapos nilang maungusan ang San Miguel Beermen, 105-103, at makubra ang solo liderato ng 2016 PBA Governors’ Cup elimination round kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pinaglaruan ni James White ang mga nakatapat na big men ng Beermen para magtapos na may 34 puntos at 11 rebounds at ihatid ang nangungunang Enforcers sa malinis na 3-0 kartada.

Si KG Canaleta ay kumana ng 17 puntos habang si Paolo Taha ay nagdagdag ng 12 puntos para sa Mahindra, na sinayang ang 12 puntos na kalamangan bago tuluyang napigilan ang ratsada ng San Miguel Beer sa ikaapat na yugto.

Kumamada si Arizona Reid ng 43 puntos, 25 dito sa second half, para pamunuan ang San Miguel Beer.

Si Alex Cabagnot ay nag-ambag ng 15 puntos habang si June Mar Fajardo ay may 13 puntos para sa Beermen.

Read more...