Kilalang singer-actor pailalim kung tirahin ng traydor na female celebrity

blind item male female

PAILALIM kung upakan ng isang female personality ang kanyang kaibigang singer-actor. Sa harapan ay hindi niya ito mabarubal pero sa ibang paraan siya naglalabas ng kanyang mga sama ng loob.

Tawag siya nang tawag sa kanyang mga alipores, du’n siya nagsusumbong, pinagpipistahan nila ang singer-actor na walang kaalam-alam sa kanilang mga ginagawa. Palibhasa’y meron silang gustong mangyari na hindi naman ginagawa ng male personality dahil wala talaga itong nararamdaman sa babae.

Kuwento ng isang source, “Bakit kasi nila ipinagpipilitan ang hindi naman puwedeng mangyari? E, kung hanggang sa friendship lang ang kayang ibigay nu’ng tao, e, ano’ng magagawa nila? “Masaya na ‘yung tao sa ganu’n lang, walang labis, walang kulang. Ipagduldulan ba kasi du’n sa tao ang hindi niya naman malunuk-lunok?” simulang komento ng source.

Lumaking pino ang ugali ng male personality. Sa madaling salita, napakalaki ng pagkakaiba ng kanyang ugali sa female star kuno, malayung-malayo. Hirit uli ng aming source, “Natural, dahil nasa puwesto nga ang ugali ng male personality, natural lang na ganu’n din ang ugali ng babaeng gusto niyang makarelasyon, tama?

“Hindi niya gugustuhing maging girlfriend ang isang girl na hindi niya naman type ang ugali, lalo na ang kilos, ano nga naman ‘yun? Magtitiis siya? “Kahit anong pagpipilit pa ang gawin ng iba diyan, e, wala na silang magagawa, hindi sila magtatagumpay, dahil magpapakatandang-binata na lang ang lalaking pilit nilang ipinangsasabong sa manok nilang kakaiba ang ugali,” nakataas pa ang kilay na kuwento ng aming impormante.

Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo ang female personality na ito, lalo na ang lalaking hanggang friendship lang ang kayang ibigay sa babae. Pramis!

Read more...