Kasal ni Osang sa dyowang tibo: Laban o bawi?

osang

HINDI pa maaaring sabihing “the union that never was” ang nakaplanong pag-iisang-dibdib ni Rosanna Roces at ng kanyang lesbian partner na si Blessie, matutuloy pa rin daw ito.

This we gathered from Butch Francisco na muling nakakumustahan si Osang when the former stood as a showbiz expert sa umere nang episode ng Tunay Na Buhay last Wednesday. Featured subject was Osang na sorpresang kinatagpo ni Butch at a resto in Marikina City as arranged by the program staff.

Tulad nina Aiza Seguerra at Liza Dino, nasa plano rin nina Osang at Blessie to “formalize” their exchange of vows this year.

Kinumusta namin kay Butch si Osang na ilang panahon din naming nakatrabaho sa Startalk, “Very lucid siya. Natatandaan nga niya kung bakit nawala siya sa show noon, eh. Saka very positive ang aura niya, wala siyang grudges.”

Minsan nang napaulat na nalihis ng landas si Osang, blame it on drugs. Pero gusto naming isipin that showbiz is never too unkind and unforgiving sa mga taong natuto na mula sa kanilang mga karanasan and vow to straighten their lives. Who are we to deprive them of a second chance?

Read more...