Army iniimbestigahan ang reservist na sangkot sa road rage

CCTV-camera-0727-620x349 (1)

NAKATAKDANG imbestigahan ng Philippine Army ang pagkakasangkot ng isang reservist na umano’y nakapatay sa isang nagbibisekleta matapos mag-away sa Quiapo, Maynila, noong Lunes ng gabi.
Kinumpirma ni Army spokesperson Col. Benjamin Hao na isang Army reservist ang suspek na may ranggong Private, na nakilala na si Vhon Tanto.
“The Philippine Army will initiate investigation on the reported reservist,” sabi ni Hao.
Idinagdag ni Hao na hindi isasailalim si Tanto sa court martial dahil wala naman siya sa aktibong serbisyo.
Sinabi pa ni Hao na bilang reservist, hindi inisyuhan si Hao ng baril.
Nakuhaan ng CCTV footage ang insidente kung saan binaril ng isang driver ng kotse ang isang nagbibisikleta matapos magsuntukan sa isang kalsaada sa Quiapo.
Naging viral naman ang social ang nangyaring insidente.

Read more...