Jackpot prize ng Lotto 6/42 lumapit sa P100M mark

 lotto for site
Lumapit sa P100 million mark ang jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola Martes ng gabi.
     Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nakakuha sa P86.3 milyong jackpot prize sa huling bola kung saan lumabas ang mga numerong 31-26-23-15-36-33.
     Inaasahang aakyat sa P90 milyon ang jackpot prize sa bola sa Huwebes ng gabi.
     Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 28 mananaya na nakakuha ng limang numero.
     Tig-P730 naman ang 1,555 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 27,766 mananaya na nakatatlong numero.
     Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Read more...