Yassi, Jinri ibinuking ang ‘secret’ ng PBB Lucky 7

yassi pressman at jinri park

MARAMI ang naloloka sa mga nangyayari ngayon sa Pinoy Big Brother Lucky 7 (Vietnam edition).

Ilang araw bago pa man mag-voluntary exit last Sunday, ang supposedly first casualty ng eviction na si DJ Cha-cha, aba’y kumalat na sa social media ang mga picture nina Jinri Park at Yassi Pressman na pinaniniwalaang kuha sa labas ng Bahay Ni Kuya.

Nauna na nga riyan si Jinri na may event daw na sasalihan abroad, then days after si Yassi naman ang nakunan sa isang opening ceremony ng isang store. Habang ang mga ipinapakitang episodes sa PBB ay parang very updated o fresh na fresh, pa dahil present pa roon ang naturang mga celebrities.

Gaano nga ba ka-delay ang naging taping nila na pinipilit nilang pagmukhaing bago at parang kahapon lang nangyari sa loob ng PBB house? Marami tuloy ang kumbinsidong scripted nga ang season na ito ng PBB kaya raw laylay ang resulta nito sa ratings game.

Read more...