James di nakasipot sa mall show, Nadine nag-sorry sa JaDine fans

 

HINDI nakapunta si James Reid sa nakaraang launch ng librong “Team Real” pati na ang DVD ng pelikula nila ni Nadine Lustre na “This Time” sa Trinoma Activity Center noong Linggo.

Ayon sa mga kaibigan naming nasa Trinoma noong Linggo, punumpuno raw ang buong ground floor ng nasabing mall at hinahanap talaga ng audience si James. Humingi naman daw ng paumahin si Nadine dahil hindi nga nakarating ang kanyang “hubby” sa nasabing event.

Bulong naman sa amin ng aming source, nagpapahinga raw si James dahil sobrang napagod ito sa sunud-sunod na trabaho nitong mga nakaraang linggo. Ang tanong namin, paano napagod si James? Sa taping ba ng bago nilang seryeng Til I Met You sa ABS-CBN? E, bakit si Nadine nakasipot sa nasabing book at DVD launch?

Naisip namin baka naman sinumpong uli ng hika si James kaya nagpahinga muna kesa naman lumala pa ang sakit nya at baka mas marami pang trabaho ang maapektuhan. Mas mahirap nga naman yun.

Read more...