Solo lead asinta ng Mahindra, San Miguel

Laro sa Myerkules
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Mahindra vs. San Miguel Beer
7 p.m. NLEX vs. Ginebra
Team Standings: TNT Katropa (2-0); Mahindra (2-0); San Miguel (2-0); Meralco (2-1); Ginebra (1-1); Alaska (1-1); NLEX (1-1); Rain or Shine (1-1); Blackwater (1-1); Star (1-2); GlobalPort (0-3); Phoenix (0-3)

SOLONG liderato ang paglalabanan ng defending champion San Miguel Beer at ang patuloy na nanggugulat na Mahindra sa pagpapatuloy ng Oppo PBA Governors’ Cup elimination round ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum. Kapwa hangad ng San Miguel at Mahindra ang ikatlong panalo sa sindaming laro sa unang laro ganap na alas-4:15 ng hapon.

Susundan ito ng salpukan sa pagitan ng NLEX at Barangay Ginebra dakong alas-7 ng gabi. Binuksan ng Beermen ang torneyo sa paghugot ng panalo laban sa Phoenix (124-113) at NLEX (94-93) habang ginulat ng Mahindra ang Star (100-92) at GlobalPort (108-98).

Kasalo ng dalawang koponang ito sa liderato ang TNT Katropa. “Our mind set going into this game is one of a playoff game. We have prepared ourselves for a war against San Miguel and our guys are ready to put an all-out effort tomorrow,” sabi ni Chris Gavina, ang first assistant coach ni Mahindra head coach Senator Emmanuel Pacquiao.

“Were looking forward to the big challenge presented to us by San Miguel and it’s a challenge we have prepared meticulously.” Inaasahang sasandalan ni Gavina sina James White, Aldrech Ramos, Iman Zandi Mashaddy, Nino Canaleta at LA Revilla para masugpo ang bigating koponan ng San Miguel.

Bagaman hindi kasama ang mga injured na sina Arwind Santos, Chris Lutz, Gabby Espinas at Yancy de Ocampo ay solid pa rin ang lineup ng San Miguel sa pangunguna ng import nitong si Arizona Reid. Ang isa pang problema ng Mahindra defense ngayon ay kung paano nila mapipigil ang reigning MVP ng liga na si June Mar Fajardo na patuloy na nananalasa para sa Beermen sa torneyong ito.

Sa huling laro ng San Miguel ay nagbida naman si Marcio Lassiter na tumira ng game-winning triple para itulak ang Beermen sa 94-93 panalo kontra NLEX.

Read more...