DJ Chacha sa PBB Lucky 7: Hindi siya scripted!

By Ervin Santiago July 26,2016
share this

DJ Chacha sa PBB Lucky 7: Hindi siya scripted!

By Ervin Santiago July 26,2016
share this

dj chacha

PINATUNAYAN ng Pinoy Big Brother Lucky 7 housemate na si DJ Chacha na hindi scripted ang reality show ng ABS-CBN.

Nag-voluntary exit ang radio DJ sa Bahay Ni Kuya maapos ang first eviction night dahil miss na miss na niya ang kanyang anak. At dahil nga rito, safe na ang mga nominado sa unang eviction night na sina Yassi Pressman, Hideo Muraoka, Jinri Park at JK Labajo.

Sa kanyang Twitter account, nag-post ang MOR (FM station ng ABS-CBN) ng ilang mensahe para sa kanyang mga followers na na-disappoint sa paglayas niya sa Big Brother House sa Vietnam. Aniya, “Kung wala kong anak, kahit dun na kame tumira sa loob ng Bahay ni Kuya. Kahit sino lalambot kapag anak na pinag-uusapan.”

Ayon pa kay DJ Chacha, “Sa mga nagsasabing scripted ang PBB, yan rin ang akala ko dati. Pasok kayo sa loob at subukan maging housemate, malalaman mo ang totoo.” Bukod dito, pinayuhan din ng lady DJ ang ilang sumasali sa PBB na ang gusto lang ay maging artista at magpasikat, “Bes, mas maraming mahalagang bagay sa mundo kaysa sa pagpapa-famous at pagpapaka-bitter.”

Hirit pa nito, “Sana ang mga makuha sa teen at regular season may mas importanteng dahilan sa pagpasok, hindi dahil bet lang nila mag-artista. “Sayang kase yung matututunan sa loob ng bahay kung ang bet lang naman ng papasok ay maging BIG star. Sana nag-Starstruck na lang sila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending