Makapag-aasawa pa ba?

Sulat mula kay Irish ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Sir Greenfield,
Masasabi ko pong isa na rin akong matandang dalaga sa ngayon dahil sa darating na August 28, 41 years old na ako. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa kahit na sa ngayon ay wala naman akong boyfriend o karelasyon? Meron po akong BF kaya lang sa internet lang at hindi naman kami seryoso sa isat-isa at hindi naman kami nagkikita. Kami na ba ang magkakatuluyan at kapag nagkita kaya kami hindi kaya magbago ang isip nya sa akin? Hindi ko pala nasabi, ang boyfriend ko pong ito sa internet ay isang Canadian citizen at malapit ng mag-isang taon ang aming relasyon.
Umaasa,
Irish Cavite
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat napadulo kapansin-pansing may malinaw pa ring Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit abutin ka pa ng edad 40, walang problema, makapag-aasawa ka pa rin at habang buhay na magiging maligaya.
Cartomancy:
Queen of Clubs, King of Hearts at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking may matatag na trabaho, halos hindi nalalayo ang edad mo sa edad niya, kaya lang ay hiwalay siya sa asawa at nasa ibang bansa ang possible mong mapangasawa. At ang pag-aasawang nabanggit ay magdudulot sa iyo at sa iyong pamilya ng kaluwagang pang-materyal.
Itutuloy….

READ NEXT
The weeds
Read more...