NAGING emosyonal ang Kapamilya character actress na si Dimples Romana sa ipinost niyang mensahe sa Instagram na may konek sa kanyang nanay.
Ayon kay Dimples, marami siyang naging realizations matapos ikuwento sa kanya ng writer ng seryeng The Greatest Love na si Ricky Lee ang tunay na kuwento sa likod ng pagkakabuo ng serye. Nagi-guilty daw ang aktres dahil hindi niya nabibigyan ng mas mahabang oras ang kanyang ina.
Narito ang mahabang caption ni Dimples sa litrato ng kanyang pamilya na ipinost niya sa IG, “I dreamt of having a super long table in the farm for get togethers like this one. this happened because right after we shot the #TheGreatestLove teaser where our Nanay Gloria played by Ate Sylvia Sanchez, revealed to her fighting, chaotic children over dinner that she has dementia, I had a realization.
“Tapos while I was listening to the interview of Sir Ricky Lee regarding our story for our new teleserye, He mentioned something like, ‘Sino nga ba ang unang nakakalimot? Ang magulang ba o ang mga anak?’ Kadalasan daw iniisip natin marami pang oras. Na pag umalis tayo, nandyan lang ang ating mga magulang at pagbalik natin, nandun parin sila.
“And it hit me, Sobrang busy ko maging nanay at asawa nakalimutan kong anak din ako. My mama and I are close but I’m so guilty of not being able to spend as much time as I should with her. And this came as an awakening for me. I needed to change things.
“I won’t wait until Mama can no longer remember anything or when she’s too old to enjoy moments with us. Now I call her more often, check on her. See if she needs anything, if she wants something.
“Ang galing lang kasi sobrang lakas ng effect sakin nung teaser namin for #TheGreatestLove. Kaya I’m also praying somehow, it’ll also affect u in a way that you’ll want to love your family more.
“And reach out and make more beautiful memories with them. that was the #TheGreatestLoveEffect on me #celebratingMama,” say pa ni Dimples, isa sa gumaganap na anak ni Sylvia Sanchez sa The Greatest Love ng ABS-CBN. In fairness, kahit sinong makapanood ng trailer ng seryeng The Greatest Love, ay talagang naaapektuhan lalo na ang mga maka-nanay.
Sabi nga ng isang nakausap namin, “Grabe yun! Talagang tagos sa puso! Imagine, trailer pa lang yun pero maiiyak ka na. Kasi makaka-relate ka bilang anak at bilang isang ina. Ang tindi ng impact niya sa aming mga nanay, lalo na yung mga nababalewala ng kanilang mga anak dahil may sarili na silang mga buhay.”