Kinlaro naman ni Derek Ramsay ang nasulat na pinatatanggal niya si Baron Geisler sa fantaseryeng Kidlat dahil muli na naman itong nanggulo sa set nila kamakailan.
Ayon kay Derek, “I wanna clear that out, I’ve always defended Baron, I’ve always tried to guide him, he’s a grown man, and he’s done one mistake and walang suntukan na naganap, walang away, siguro may konting taasan ng boses, pero walang away, pinagsabihan ko lang siya na mali ang ginagawa niya.
“That’s wrong na may nagsabing ayaw ko na siyang makatrabaho, I even spoke to the director that night, Mike Tuviera, sabi ko, ‘direk Mike kung gusto n’yo pa ring kunan ‘yung eksena, kunan natin walang problema.,” sabi pa ng aktor.
Nakadalawang taping na nga raw ulit sina Derek at Baron at okay naman daw sila, “Nagkita kami sa set, lumapit siya, nagkamay kami tapos, eksena na ulit. Nag-sorry siya sa text and in person.”
“I’ve always open my phone for him, he can call me anytime and ask for advice.
He gave me the decency to apologize, but I always told him, apologizing isn’t enough, gawin mo na lang.
Hindi mo kailangang paulit-ulit sabihin, gawin mo na lang,” sabi raw ni Derek kay Baron.
Ang management lang daw ang puwedeng magpatanggal kay Baron sa Kidlat at hindi si Derek dahil artista lang din daw siya sa nasabing fantaserye, “It’s up to the bosses, when this issue came up, Baron has given so many chances, it’s up to the bosses.”
“Hindi ako ang tipo ng artistang nagpapatanggal, my job is to act, to portray the character, I play sports, I don’t like to lose a person where I’m in the team with,” dagdag pa niya.
Samantala, muling na-extend ang Kidlat at malamang na abutin daw ito ng Hunyo kaya masaya ang aktor dahil maganda ang feedback sa programa niya.
At mukhang siya na nga ang bagong superhero ng mga Pinoy.
Bukod sa pagiging number one money-maker ni Derek sa JLD Talent management ay in demand din siya sa product endorsements tulad ng Smart, Belo, San Miguel, Swatch, Pharmaton, East West Bank, Boardwalk, Dunkin Donuts, Cignat TV, Datu Puti Vinegar, Century Tuna, Belo Medical and Volvo.