Piolo nakabuo ng kuwento sa Europe sa pelikula nila ni Juday

judy ann santos at piolo pascual

NAKILALA na ni Piolo Pascual ang babaeng dine-date ng kanyang anak na si Inigo Pascual.

Mukhang boto naman ang Kapamilya hunk actor sa girl dahil magaganda ang pagkakalarawan niya rito. Anmg tinutukoy namin ay ang GirlTrend member na si Kelley Day.

Sey ni PJ sa presscon ng bagong ad campaign ng Sun Life Financial na “Money 4 Life” kamakailan, i-pinakilala ni Inigo sa kanya si Kelley noong nakaraang Star Magic Games. Isa rin itong Filipina-British talent ng Star Magic.

“Mabait na bata. She’s very respectful and very responsible din, sincere, yun ang importante,” ang sey ni Papa P. Aniya, bilang tatay ni Inigo, mas lamang daw ang nararamdaman niyang excitement kesa sa pag-aalala sa anak.

“I’m more excited about what he’s gonna go through as a man, independent. You know, kailangan mong matutunan yung mga bagay through your own experiences. I’m just exci-ted for him for what it can teach him,” ani Piolo.

Natutuwa rin ang Kapamilya actor dahil halos araw-araw silang nagba-bonding ngayon ng anak pagkatapos nga niyang magbakasyon sa Europe ng dalawang buwan.

“Actually, kapag nandito nga, hindi kami gaano nakakapag-text. Pero nu’ng nasa abroad ako, everyday kaming magka-text, so para ding nandito ako. Parang naging mas close pa nga kami noong wala ako,” aniya.

Pahayag pa ni PJ, “Actually, he surprised me when I arrived. He was at home, nasa bahay siya nang dumating ako.” We’ve been spending time every day ever since I arrived.

“Nag-cancel siya ng trabaho because he wants to spend time with me. We’ve been sleeping together. I’m really happy because he’s around me,” masayang kuwento pa ng aktor.
Samantala, kinumpirma ni

Piolo na may naisip na siyang konsepto at tema para sana sa reunion project nila ni Judy Ann Santos. Magkasama ang dalawa sa bagong ad campaign ng Sun Life, ito ang unang pagharap nila sa press after several years.

“I actually pitched it to her already through Direk Joyce (Bernal) at nagustuhan naman daw po niya. Siguro ‘yung time lang po ang magiging problema kung sakali,” chika ng aktor. Nabuo raw niya ang nasabing kuwento noong nasa Europe sila nina Jodi Sta. Maria at Hayden Kho.

Read more...