Singer-actress natatakasan ang istriktong nanay, may ginagamit na ‘gamot’

 

PINAGKUWENTUHAN sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang sobrang pagkainggit ng isang female personality sa kanyang mga kasamahang artista na kahit saan ay pinapayagan ng kanilang mga magulang na magpunta.

Ang tanong, wala raw ba kasing tiwala ang mga magulang niya sa young singer-actress, kaya ganu’n ang parents niya, sobrang higpit, kaya malaki ang inggit ni ____ (pangalan ng young singer-actress) sa mga kaibigan niyang artista na puwedeng lumabas-labas kasama ang mga friends nila.

“Hindi kasi siya pinapayagan sa ganu’n, pagka-tapos ng work niya, kaila-ngang diretso na siya sa house nila. Inoorasan kasi siya, walang lusot, dahil kinakausap ng mommy niya ang production staff. “May direct contact ang mommy niya sa mga staff, nagte-text or tumatawag ang mommy niya para lang alamin kung anong oras siya pumapak-ap sa taping.

“Paano siya makalulusot kapag ganu’n? Wala siyang chance, alam ng parents niya kung anong oras siya natapos sa trabaho niya,” napapailing na kuwento ng a-ming impormante. Pero matalino man ang matsing, ‘ika nga, ay napaglalala-ngan din. Nakalulusot pa rin ang young actress, nakagagawa pa rin siya ng milagro, may sarili siyang paraan para makalulusot paminsan-minsan sa matinding pagbabantay ng mommy niya.

“Ang ginagawa niya, e, kuning-kuning siyang magpapa-manicure-pedicure. Mahaba-habang oras din ‘yun, di ba? Ang hindi alam ng mommy niya, e, pine-fake niya lang ang pagpapalinis ng mga kuko. “May nakahanda na siyang gamot na pula (merthiolate) na ipinapahid niya sa mga nails niya kapag pauwi na siya. Ano naman ang alam ng mommy niya kung kemerut lang pala ‘yun o totoo?

“O, Bradly Guevarra, di nakalulusot ang idol mo na payatolang-payatola, napapaikutan din niya ang mommy niya na doberman lang ang peg sa sobrang higpit,” kuwento pa ng aming source.

 

Read more...