Megan, Lovi, Tom, Dingdong naki-party sa UK, UAE, Kuwait, US at Canada

gma pinoy tv

TILA isang worldwide fiesta ang selebrasyon ng nakaraang 118th Philippine Independence Day sa Kuwait, United Arab Emirates, Qatar, United States of America, Canada at United Kingdom nang ma-kisaya ang ilan sa mga pinaka-maniningning na Kapuso stars.

Naging makulay at puno ng saya at kultura ang iba’t ibang pagtitipon ng mga Pilipino abroad. Nagsilbing exclusive media sponsor sa mga pagdiriwang ang tatlong Kapuso international channels, ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International.

Nag-umpisa ang kasiyahan sa “Kalayaan sa Kuwait” kasama si 2013 Miss World Megan Young na ginanap sa Qadsia Sports Club sa Hawally, Kuwait sa pangunguna ng Filcom, ang grupo ng iba’t ibang Filipino organization sa Kuwait, noong May 29.

Si Megan din ang dumalo sa Philippine Independence Day celebration sa Ve-terans Park, Carson City, Ca-lifornia noong June 11, kung saan ginawaran siya ng ilang pagkilala mula sa California Senate, City of Los Angeles, City of Carson at ng Philippine Independence Day Foundation of Carson na siyang nagtaguyod ng event.

Ang Kapuso Premier Actress na si Lovi Poe naman ang nagtungo sa UAE upang makisaya kasama ang kanyang mga kababayan sa “118th Philippine Independence Day in Dubai” na ginanap sa Dubai World Trade Center noong June 3. Marami rin ang nabighani sa Kapuso actress na si Andrea Torres nang mag-perform siya sa “Kalinangan 2016” sa Sheraton Hotel na pinamunuan ng United Fi-lipino Organizations Qatar at ng Philippine Embassy sa Qatar.

Samantala sa Canada, walang tigil ang saya at tawanan kasama sina Tom Rodriguez at Betong Sumaya sa “Pinoy Fiesta and Trade Show in Toronto” noong June 18 sa Metro Toronto Convention Centre, sa pangunguna ng Philippine Canadian Charitable Foundation.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng araw ng kalayaan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay nakiisa sa kanyang mga kababayan sa United Kingdom para sa “Birmingham-Sandwell-West Midlands Fiesta Celebrations,” ang pinakamalaking pagdiriwang ng mga Pinoy sa West Midlands, na ginanap sa Lightwoods Park noong July 3. Ito ay itinaguyod ng non-profit community group na Birmingham Fi-lipino-British Community Volunteers.

“These events across the globe are truly a festive and heartwarming reminder of what it is to be Filipino to those who are far away from home,” sabi ni GMA First Vice Pre-sident and Head of International Operations Joseph T. Francia.

“As the global Filipino community continues to expand, GMA Pinoy TV will also continue to reach more of our kababayans abroad, wher-ever they may be in the world,” aniya pa.

Read more...