SINABI ng Palasyo na hindi na magpapaunlak ng imbitasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Metro Manila para hindi makadagdag sa problema sa trapik.
Sa isang post sa Facebook ng Presidential Communications Office (PCO), idinahilan ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang problema sa trapik sa National Capital Region kayat magiging no-show si Duterte sa mga pagtitipon sa NCR.
“President Rodrigo Roa Duterte modestly declined the respectful invitations from individuals, communities, organizations, companies, and other institutions in Metro Manila to be their guest of honor,” sabi ng pahayag ng Malacanang.
Sa video na ipinost sa Facebook, binasa pa ni Abella ang open letter ni Duterte sa mga Pinoy kung saan idinahilan ng pangulo na makakadagdag lamang sa trapik ang kanyang presensiya sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES