Tropang TNT Tropa nakalusot sa Meralco Bolts

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Globalport vs Star
6:45 p.m. Brgy. Ginebra vs Alaska

MULING nagpakita ng katatagan ang Tropang TNT sa krusyal na bahagi ng laban para itakas ang 98-95 panalo laban sa Meralco Bolts sa kanilang 2016 PBA Governors’ Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Bagaman hindi nakaiskor sa huling tatlong minuto at 22 segundo ng laro, nagawang maitakas ng Tropa ang panalo para makisalo sa itaas ng team standings sa pagkubra ng malinis na 2-0 kartada.

May pagkakataon sana si Jared Dillinger na itabla ang iskor at ihatid ang laro sa overtime subalit sumablay ang kanyang 3-pointer para malasap ng Bolts ang unang pagkatalo sa tatlong laro.

Umiskor si Jayson Castro ng 24 puntos habang ang mga imports na sina Michael Madanly at Mario Little ay nag-ambag ng tig-14 puntos para sa TNT, na hindi nakakasama sina Matt Ganuelas-Rosser, Troy Rosario at Kelly Williams.

Read more...