EA ng Secretary saksakan ng angas at daldal

DA who itong executive assistant ng isang Secretary na hindi pa man natatapos ang unang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ay saksakan na ng angas at isinusuka na ng kapwa empleyado?
Feeling-boss ang EA ng kalihim kung umasta. Bukod sa akala mo ay may-ari ng ahensiyang kanyang pinaglilingkuran, saksakan pa ng tabil ang bibig nito.
Dahil sa kanya dumadaan ang kontrata ng mga bagong empleyado na katulad niya, wala itong ginawa kundi ipagkalat kung magkano ang sweldo ng mga ito.
Kaya kahit wala pang isang buwan siyang nakakaupo sa gobyerno, marami nang nagagalit sa kanya.
Siyempre, dala-dala lamang siya ng Secretary mula sa kanyang dating pribadong kumpanyang pinaglilingkuran.
Ang siste, bukod sa kanya na hinakot ng Secretary, meron din palang ipinasok ang EA na ito, na kanyang kapatid. Ano kaya ang masasabi ng Civil Service Commission (CSC) dito? Hindi ba bawal ang may kapatid na dala-dala sa tanggapan ng gobyerno?
Mabait naman daw ang kanyang ipinasok na kapatid at hindi katulad ng EA na feeling-boss.
Ang nakakaloka rito, sinibak pala ito sa dating tanggapan na pinapasukan. Bakit kamo? Nabuko na nagso-solicit ng pang-raffle at nang mabuko, itinuro ang Secretary na siya umanong may utos sa kanya.
Inilaglag naman siya ng Secretary at itinatwa na may basbas ang pagso-solicit na ginagawa.
Ang ending, sinibak ang maangas na EA at bilang pagbayad ng utang na loob, kinuha ng Secretary ang maangas na dating empleyado bilang kanyang EA.
Naku, di ba ayaw ni Digong ang katiwalian sa gobyerno? Di kaya magkalat ito sa bagong ahensiyang pinapasukan?
Para itong isang langaw na nakatungtong sa kalabaw.
Gusto nyo ba ng clue? Mahilig ang EA na ito sa litson at hindi naman kataka-taka dahil kitang-kita naman.
Kayo na manghula, mga kapatid.

Read more...