Boyfriend ang birthday wish

Sulat mula kay Althea ng Larena Drive, Taclobo, Dumaguete City
Dear Sir Greenfield,
Sa edad kong 27 na sa darating na August 16, hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. Nagtataka nga ako sa
aking kapalaran kung bakit maganda naman daw ako sabi ng mga friends ko pero bakit kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging boyfriend? Naisipan kong sumangguni sa inyo
upang malaman kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at kung saan ko makikilala ang lalaking una at huling magiging boyfriend ko? Gusto ko po kasi na sa taong ito ng 2016 ay magka-boyfriend na ako lalo na nga po at 27 na ako sa birthday ko. Matutupad kaya ang simple wish ko ng ito para sa aking ika-27th birthday?
Umaasa,
Althea ng Dumaguete City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wag kang mag-alala Althea dahil kitang-kita naman ang kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa malapit na hinaharap, magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa.
Cartomancy:
King pf Hearts, Six of Hearts at Eight of Hearts, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2016 sa ikawalong buwan, tulad ng sinasabi ng guhit ng iyong palad, agad-agad magkaka-boyfriend ka na at magiging maligaya at pagsapit ng taong 2018 ang magiging boyfriend mo ngayong 2016 ang siya mo na ring makakatuluyan at makakasama habang buhay sa pagbuo ng isang maligaya at successful na pamilya.
Itutuloy…

Read more...