Kapamilya stars nagkagulo, nagpapiktyur kay Gen. Bato

gen bato

MARAMI naman ang sumaludo at nagbigay papuri kay Gen. Ronald “Bato” dela Rosa, na nag-guest kamakailan sa It’s Showtime. Kaya pala gulat na gulat kami na mas pinaaga ang Tawag Ng Tanghalan portion (pero ‘yung labanan ng winners ay sa huli inilagay) dahil si General Bato nga ang guest sa Trabahula portion ng programa.

Mistulang nagkaroon ng “red alert” sa studio ng Showtime dahil sa napakahigpit na security. May mga nagti-taping din na mga artista na lumusob at nagpapiktyur sa heneral. Kuwelang-kuwela ang matapang na opisyal ng PNP na umaming takot siya sa kanyang misis.

Medyo nag-behave naman ang mga hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Anne Curtis pero as usual, nailulusot pa rin ni Vice kahit paano ang mga hirit niya. Very charismatic at malakas ang masa appeal ni Gen. Bato kaya madali siyang minahal ng madlang pipol.

First time rin kaming nakapanood sa isang noontime show na special guest ang PNP chief kung saan game na game itong nakipagkulitan sa madlang pipol. Winner!

Read more...