ANG role niya sa historical movie na “Hermano Puli” ang rason kung bakit nag-lose ng 15 pounds si Aljur Abrenica.
Kaya nang marinig niya ang intrigang inatake siya ng matinding depresyon kaya siya pumayat nang todo ay dedma lang daw siya. Talaga raw kasing kinarir niya ang pagiging si Hermano Puli sa pelikula na finally ay natapos na nila sa kabila ng napakaraming challenges na hiranap nila noong ginagawa nila ang proyekto.
Nauna na nga riyan ang paghahanap ng producer, ayon kay Aljur marami silang nilapitang tao ni direk Gil Portes para maging financer ng “Hermano Puli” hanggang sa makumbinsi nga nila ang TREX Entertainment para tapusin ang napakalaking pelikulang ito. “But it’s worth the trials and everything. Maganda ang natapos naming pelikula at ipagmamalaki namin ito,” sey pa ni Aljur.
Mag-iikot sila sa maraming universities para ipaalam sa mga estudyante ang tungkol sa buhay ni Hermano Puli. Ito rin ang magiging closing film sa gaganaping 2016 Cinemalaya Film Festival ngayong August bago ang commercial run nito ngayong September.
q q q
“Napigilan naman po,” ang sagot sa amin ni Aljur nang itanong namin kung kasama sa naging immersion niya at pagiging in-character sa “Hermano Puli” ang pagiging “celibate” ng 18th century preacher na pinatay ng mga Kastila sa edad na 28.
Nakakabilib kasi ang aktor dahil bukod sa pagpapapayat for the role, nanirahan din siya sa Tayabas, Quezon ng ilang araw para mag-research tungkol kay Hermano Puli. “Sinubukan ko rin po, at napigilan ko naman,” natatawang sagot nito tungkol sa pagiging celibate o wala munang sex, sabay sabing ito na ang pinakamabigat na role na ginawa niya sa kanyang pagiging artista.
Inabot din ng ilang buwan ang buong production ng movie kaya mahirap talagang “pigilan” ang itinatanong namin sa guwapong hunk actor. Ha-hahahaha! Si Louise delos Reyes pala ang love interest ni Aljur sa movie.