Vice babaeng-babae ang itsura sa FPJ’s Ang Probinsyano, nagpalagay ng boobs

vice ganda

NAGSIMULA nang mag-taping si Vice Ganda para sa number one primetime series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Reunion project ito ng mag-besties na sina Vice at Coco matapos nilang gawin ang 2015 Metro Manila Film Festival entry na “Beauty and the Bestie” na kumita ng P520 million.

Si Vice ang bagong special guest sa Ang Probinsyano kung saan tatalakayin naman ang lumalalang problema tungkol sa sextortion at cybersex.

Kamakailan, sinabi ni Coco na kontrobersiyal ang gagampanang papel ni Vice sa serye, at, “Ipinapangako namin dito ay ibang-ibang Vice ang makikita nila. Kasi marami nang nagawang pelikula si Vice, kilalang kilala na siya ng tao. Ang challenge namin is paano namin siya babaguhin.”

Read more...