San Miguel Beermen nasilat ang NLEX Road Warriors

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Meralco vs Tropang TNT
5:15 p.m. Rain or Shine vs Phoenix Petroleum

BUMITAW si Marcio Lassiter ng game-winning go-ahead triple para ihatid ang San Miguel Beermen sa 94-93 pagwawagi laban sa NLEX Road Warriors sa kanilang 2016 PBA Governors’ Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Matapos na idikit ng 3-pointer ni Alex Cabagnot ang Beermen sa dalawang puntos, 93-91, may 27.1 segundo ang nalalabi sa ikaapat na yugto sumablay naman ang floater ni Road Warriors import Henry Walker para ikasa ng San Miguel Beer ang game-winning triple ni Lassiter may 5.9 segundo ang natitira sa laro.

Bunga ng panalo ay nagawang makisosyo ng San Miguel Beer sa itaas ng team standings sa pagkubra ng kanilang ikalawang sunod na panalo.

Read more...