SINABI ni Davao City Mayor Sara Duterte na hindi totoo ang tsismis na magbibitiw siya bilang mayor ng lungsod matapos siyang mag-leave of absence noong Hulyo 1.
Idinagdag ni Duterte na nagdesisyon siyang hindi muna magkomento sa mga kumalat sa social media kaugnay ng kanyang umano’y pagbibitiw.
“Because I enjoyed the comments of both haters and supporters,” sabi ni Duterte.
Tiniyak ni Sara na babalik na siya sa pagtatrabaho simula bukas.
“…because we chief executives should work 24/7,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na dadalo siya sa unang State of The Nation Address (Sona) ng kanyang tatay na si President Rodrigo Duterte.
“All expenses are paid for so I’m going,” biro pa ni Duterte.
Hindi naman alam ni Sara kung dadalo Sona ang kanyang mga kapatid na sina Vice Mayor Paolo at Sebastian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.